|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? |
|
| 3 |
|
| Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. |
|
| 4 |
|
| Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. |
|
| 5 |
|
| Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? |
|
| 6 |
|
| Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; |
|
| 7 |
|
| Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? |
|
| 8 |
|
| O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata? |
|
| 9 |
|
| Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, |
|
| 10 |
|
| At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, |
|
| 11 |
|
| At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? |
|
| 12 |
|
| Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; |
|
| 13 |
|
| Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon? |
|
| 14 |
|
| Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: |
|
| 15 |
|
| At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali. |
|
| 16 |
|
| Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman? |
|
| 17 |
|
| Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? |
|
| 18 |
|
| Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. |
|
| 19 |
|
| Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; |
|
| 20 |
|
| Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? |
|
| 21 |
|
| Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? |
|
| 22 |
|
| Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, |
|
| 23 |
|
| Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? |
|
| 24 |
|
| Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? |
|
| 25 |
|
| Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; |
|
| 26 |
|
| Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. |
|
| 27 |
|
| Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? |
|
| 28 |
|
| May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? |
|
| 29 |
|
| Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? |
|
| 30 |
|
| Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. |
|
| 31 |
|
| Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? |
|
| 32 |
|
| Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? |
|
| 33 |
|
| Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? |
|
| 34 |
|
| Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? |
|
| 35 |
|
| Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? |
|
| 36 |
|
| Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? |
|
| 37 |
|
| Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, |
|
| 38 |
|
| Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? |
|
| 39 |
|
| Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, |
|
| 40 |
|
| Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? |
|
| 41 |
|
| Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain. |
|
|
|
|