|
| 1 |
|
| Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan, o ang panahon na ang usa ay magsisilang? |
|
| 2 |
|
| Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan? Alam mo ba kung kailan ito iluluwal? |
|
| 3 |
|
| Namasdan mo ba habang sila ay gumagapang sa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang? |
|
| 4 |
|
| Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang at kapag malaki na ay tuluyang lumilisan. |
|
| 5 |
|
| “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno? Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino? |
|
| 6 |
|
| Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan, at doon sa maalat na kapatagan. |
|
| 7 |
|
| Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay, walang makapagpaamo at hindi mautusan. |
|
| 8 |
|
| Ang pastulan nila'y ang kaburulan, hinahanap nila'y sariwang damuhan. |
|
| 9 |
|
| “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho? Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra? |
|
| 10 |
|
| Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit, at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid? |
|
| 11 |
|
| Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya? Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya? |
|
| 12 |
|
| Umaasa ka ba na siya ay magbabalik upang sa ani mo ay siya ang gumiik? |
|
| 13 |
|
| “Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay, nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal? |
|
| 14 |
|
| Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan. |
|
| 15 |
|
| Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, o baka madurog ng mailap na nilalang. |
|
| 16 |
|
| Sa mga inakay niya siya ay malupit, hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit, |
|
| 17 |
|
| sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan, di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan. |
|
| 18 |
|
| Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo, pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo. |
|
| 19 |
|
| “Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo? Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito? |
|
| 20 |
|
| Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang, at kapag humalinghing ay kinatatakutan? |
|
| 21 |
|
| Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa, at napakabilis tumakbo upang makidigma. |
|
| 22 |
|
| Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig. |
|
| 23 |
|
| Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay, sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang. |
|
| 24 |
|
| Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong. |
|
| 25 |
|
| Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya. Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa; maging ang utos ng kapitan sa mga kasama. |
|
| 26 |
|
| “Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad, kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak? |
|
| 27 |
|
| Naghihintay ba ng iyong utos ang agila, upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya? |
|
| 28 |
|
| Matataas na bato ang kanyang tirahan, mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan. |
|
| 29 |
|
| Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan, kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw. |
|
| 30 |
|
| Sa kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay, at tiyak na naroon siya kung saan mayroong bangkay.” |
|
|
|
|