|
| 1 |
|
| Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? |
|
| 2 |
|
| Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? |
|
| 3 |
|
| Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. |
|
| 4 |
|
| Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. |
|
| 5 |
|
| Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? |
|
| 6 |
|
| Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan. |
|
| 7 |
|
| Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. |
|
| 8 |
|
| Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. |
|
| 9 |
|
| Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? |
|
| 10 |
|
| Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? |
|
| 11 |
|
| Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? |
|
| 12 |
|
| Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? |
|
| 13 |
|
| Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? |
|
| 14 |
|
| Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok, |
|
| 15 |
|
| At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop. |
|
| 16 |
|
| Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; |
|
| 17 |
|
| Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa. |
|
| 18 |
|
| Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. |
|
| 19 |
|
| Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? |
|
| 20 |
|
| Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. |
|
| 21 |
|
| Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. |
|
| 22 |
|
| Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak. |
|
| 23 |
|
| Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag. |
|
| 24 |
|
| Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. |
|
| 25 |
|
| Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. |
|
| 26 |
|
| Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? |
|
| 27 |
|
| Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? |
|
| 28 |
|
| Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan, |
|
| 29 |
|
| Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. |
|
| 30 |
|
| Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya. |
|
|
|
|