|
| 1 |
|
| Nagsalita si Elifaz na taga-Teman. Sinabi niya, |
|
| 2 |
|
| “Magagalit ka ba kung magsasalita ako? Hindi ko na kayang manahimik. |
|
| 3 |
|
| Noon, pinapayuhan mo ang maraming tao na magtiwala sa Dios, at pinalalakas ang mahihina at nanlulupaypay. |
|
| 4 |
|
| Ang mga salita moʼy nagpalakas sa kanila at umalalay sa mga nanghihina. |
|
| 5 |
|
| Pero ngayong ikaw na ang dumaranas ng kahirapan, tila ikaw ang nanghihina at naguguluhan. |
|
| 6 |
|
| Hindi baʼt kapag may takot ka sa Dios at namumuhay ka ng matuwid, magdudulot ito sa iyo ng tiwalaʼt pag-asa? |
|
| 7 |
|
| “Ngayon, isipin mong mabuti. May tao bang matuwid at walang kasalanan na napahamak? |
|
| 8 |
|
| Ayon sa aking nakitaʼt nalaman, ang mga taong gumagawa ng kasamaan at kaguluhan, kasamaan at kaguluhan din ang kanilang kahahantungan. |
|
| 9 |
|
| Sa isang bugso lamang ng galit ng Dios, mapapahamak sila. |
|
| 10 |
|
| Kahit na silaʼy tulad ng malakas at mabangis na leon, tatanggalin pa rin ang kanilang mga ngipin. |
|
| 11 |
|
| Mamamatay sila dahil sa gutom at ang mga anak nila ay mangangalat. |
|
| 12 |
|
| “May sinabi sa akin nang palihim. Ibinulong ito sa akin |
|
| 13 |
|
| sa pamamagitan ng panaginip. Gabi iyon habang ang mga taoʼy mahimbing na natutulog. |
|
| 14 |
|
| Natakot ako at nanginig ang buo kong katawan. |
|
| 15 |
|
| May espiritu na dumaan sa aking harap at tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako. |
|
| 16 |
|
| Huminto ito, pero hindi ko gaanong maaninag. At may narinig akong mahinang tinig na nagsasabi, |
|
| 17 |
|
| ‘Mayroon bang taong matuwid o malinis sa paningin ng Dios na kanyang Manlilikha? |
|
| 18 |
|
| Kung mismong sa mga anghel na lingkod niya ay hindi siya lubusang nagtitiwala, at nakakakita siya ng kamalian nila, |
|
| 19 |
|
| di lalo na sa taong nilikha lamang mula sa lupa, na madaling pisain katulad ng gamo-gamo! |
|
| 20 |
|
| Ang taoʼy maaaring buhay pa sa umaga pero kinagabihaʼy patay na at hindi na makikita magpakailanman. |
|
| 21 |
|
| Para silang mga toldang bumagsak. Namatay sila nang kulang sa karunungan.’ |
|
|
|
|