|
| 1 |
|
| At sumagot ang PANGINOON kay Job at sinabi: |
|
| 2 |
|
| "Ang mapaghanap ng kamalian ay makikipagtalo ba sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagtalo sa Diyos, ay sagutin niya ito." |
|
| 3 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job sa PANGINOON, at nagsabi, |
|
| 4 |
|
| "Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa bibig ko, |
|
| 5 |
|
| minsan ay nagsalita ako, at hindi ako tutugon; makalawa, at hindi na ako magpapatuloy." |
|
| 6 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot ang PANGINOON kay Job mula sa ipu-ipo: |
|
| 7 |
|
| "Tulad sa isang lalaki'y magbigkis ka ng iyong baywang; tatanungin kita, at sa akin ay iyong ipaalam. |
|
| 8 |
|
| Pati ba ako'y ilalagay mo sa kamalian? Upang ikaw ay ariing ganap ako ba’y iyong hahatulan? |
|
| 9 |
|
| Mayroon ka bang kamay na tulad sa Diyos? Makakapagpakulog ka ba ng tinig na gaya niya? |
|
| 10 |
|
| "Maggayak ka ngayon ng karilagan at karangalan, magbihis ka ng kaluwalhatian at karingalan. |
|
| 11 |
|
| Ang pag-uumapaw ng iyong galit ay ibuhos mong lahat, tunghayan mo ang bawat palalo, at siya'y gawin mong hamak. |
|
| 12 |
|
| Masdan mo ang bawat mayabang, at pababain mo siya; at yapakan mo ang masama sa kinatatayuan nila. |
|
| 13 |
|
| Silang lahat sa alabok ay sama-samang itago mo; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. |
|
| 14 |
|
| Kung magkagayo'y kikilalanin ko sa iyo, na mabibigyan ka ng tagumpay ng kanang kamay mo. |
|
| 15 |
|
| "Masdan mo, ang Behemot na aking ginawa kung paanong ika'y aking ginawa; siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. |
|
| 16 |
|
| Masdan mo, ang lakas niya'y nasa kanyang mga balakang, at ang kapangyarihan niya'y nasa kalamnan ng kanyang tiyan. |
|
| 17 |
|
| Pinapatigas niya ang kanyang buntot na sedro ang katulad, ang mga litid ng kanyang mga hita ay magkakalapat. |
|
| 18 |
|
| Mga tubong tanso ang mga buto niya, parang mga baretang bakal ang kanyang mga paa. |
|
| 19 |
|
| "Sa mga gawa ng Diyos ang pangunahin ay siya; tanging ang lumalang sa kanya, ang makapaglalapit ng kanyang espada! |
|
| 20 |
|
| Sapagkat ang nagbibigay sa kanya ng pagkain ay ang mga bundok na doo'y naglalaro ang lahat ng maiilap na hayop. |
|
| 21 |
|
| Sa lilim ng punong lotus siya'y nahihimlay, sa puwang ng mga tambo, at sa mga latian. |
|
| 22 |
|
| Ang mga puno ng lotus, siya'y lumililim; ang mga sangang batis sa kanya'y nakapaligid. |
|
| 23 |
|
| Narito, hindi siya natatakot kung ang ilog man ay nagngangalit; siya'y tiwasay bagaman rumagasa ang Jordan sa kanyang bibig. |
|
| 24 |
|
| Mayroon bang makakakuha sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga mata, o matutuhog ang kanyang ilong ng isang silo? |
|
|
|
|