|
| 1 |
|
| Sinabi pa ng Panginoon kay Job, |
|
| 2 |
|
| “Makikipagtalo ka ba sa akin na Makapangyarihang Dios? Sinasabi mong nagkamali ako. Ngayon, sagutin mo ako.” |
|
| 3 |
|
| Kaya sinagot ni Job ang Panginoon, |
|
| 4 |
|
| “Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa inyo. Tatahimik na lang po ako. |
|
| 5 |
|
| Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.” |
|
| 6 |
|
| Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo, |
|
| 7 |
|
| “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko. |
|
| 8 |
|
| “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama? |
|
| 9 |
|
| Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin? |
|
| 10 |
|
| Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila. |
|
| 11 |
|
| Ipakita mo ang matindi mong galit sa taong mayayabang at ibagsak sila. Wasakin mo ang taong masasama sa kanilang kinatatayuan. |
|
| 12 |
|
|
|
| 13 |
|
| Ilibing mo silang lahat sa lupa, sa lugar ng mga patay. |
|
| 14 |
|
| Kapag nagawa mo ang mga ito, ako ang pupuri sa iyo at tatanggapin ko na may kakayahan ka ngang iligtas ang iyong sarili. |
|
| 15 |
|
| “Tingnan mo ang hayop na Behemot, nilalang ko rin siya katulad mo. Kumakain ito ng damo na tulad ng baka, |
|
| 16 |
|
| pero napakalakas nito, at napakatibay ng katawan. |
|
| 17 |
|
| Ang buntot niyaʼy tuwid na tuwid na parang kahoy ng sedro, at ang mga hitaʼy matipuno. |
|
| 18 |
|
| Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal. |
|
| 19 |
|
| Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo. |
|
| 20 |
|
| Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya. |
|
| 21 |
|
| Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib. |
|
| 22 |
|
| Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya. |
|
| 23 |
|
| Hindi siya natatakot kahit na rumaragasa ang tubig sa ilog. Tahimik pa rin siya kahit halos natatabunan na siya ng tubig sa Ilog ng Jordan. |
|
| 24 |
|
| Sino ang makakahuli sa kanya sa pamamagitan ng pagbulag sa kanya? Sino ang makakabitag sa kanya at makakakawit sa ilong niya? |
|
|
|
|