|
| 1 |
|
| Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito. |
|
| 3 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, |
|
| 4 |
|
| Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig, |
|
| 5 |
|
| Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy. |
|
| 6 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, |
|
| 7 |
|
| Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. |
|
| 8 |
|
| Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? |
|
| 9 |
|
| O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? |
|
| 10 |
|
| Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan. |
|
| 11 |
|
| Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. |
|
| 12 |
|
| Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. |
|
| 13 |
|
| Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. |
|
| 14 |
|
| Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan. |
|
| 15 |
|
| Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. |
|
| 16 |
|
| Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. |
|
| 17 |
|
| Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. |
|
| 18 |
|
| Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. |
|
| 19 |
|
| Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. |
|
| 20 |
|
| Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. |
|
| 21 |
|
| Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. |
|
| 22 |
|
| Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. |
|
| 23 |
|
| Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. |
|
| 24 |
|
| May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo. |
|
|
|
|