|
| 1 |
|
| “Mahuhuli mo ba ang Leviatan sa pamamagitan ng pamingwit? Maitatali mo ba ang dila nito sa pamamagitan ng lubid? |
|
| 2 |
|
| Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito? Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito? |
|
| 3 |
|
| Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo, magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo? |
|
| 4 |
|
| Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan, na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran? |
|
| 5 |
|
| Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruin upang mga babaing lingkod mo ay aliwin? |
|
| 6 |
|
| Tawaran kaya siya ng mga mamimili, paghatian kaya siya upang maipagbili? |
|
| 7 |
|
| Tablan kaya ang makapal niyang balat, sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat? |
|
| 8 |
|
| Hawakan mo siya kahit na minsan lang, hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban. |
|
| 9 |
|
| “Ang sinumang sa kanya'y makakakita, sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa. |
|
| 10 |
|
| Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik. Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit. |
|
| 11 |
|
| Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay? Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan. |
|
| 12 |
|
| “Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag, at walang kaparis ang taglay nitong lakas. |
|
| 13 |
|
| Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan? May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal? |
|
| 14 |
|
| Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka? Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya. |
|
| 15 |
|
| Maraming kalasag, nakahanay sa kanyang likod; sintigas ng bato at nakalagay nang maayos. |
|
| 16 |
|
| Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit, walang pagitan, ni hangin ay di makasingit. |
|
| 17 |
|
|
|
| 18 |
|
| Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy, mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon. |
|
| 19 |
|
| Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas, mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab. |
|
| 20 |
|
| Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok, parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog. |
|
| 21 |
|
| Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab; naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat. |
|
| 22 |
|
| Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan, sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan. |
|
| 23 |
|
| Walang mahinang bahagi sa kanyang balat, tulad ng bakal, matigas at makunat. |
|
| 24 |
|
| Ang tigas ng kanyang puso, bato ang katulad, gaya ng batong gilingan sa tibay at tatag. |
|
| 25 |
|
| Kapag siya ay tumayo masisindak rin ang pinakamalakas, wala silang magawâ, at sa takot ay tumatakas. |
|
| 26 |
|
| Pagkat siya'y di tatablan kahit na ng tabak, maging ng palaso, ng punyal o ng sibat. |
|
| 27 |
|
| Sa kanya ang bakal ay parang dayaming marupok, ang katulad nitong tanso ay kahoy na nabubulok. |
|
| 28 |
|
| Sa palaso'y hindi siya maaaring mapatakbo, sa kanya'y parang dayami ang tirador at ang bato. |
|
| 29 |
|
| Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat, tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat. |
|
| 30 |
|
| Kaliskis ng kanyang tiyan ay napakatalas, at sa putik na daanan, nag-iiwan ng mga bakas. |
|
| 31 |
|
| Kaya niyang pakuluin ang malalim na tubig, hinahalo niya ang dagat na parang palayok ng langis. |
|
| 32 |
|
| Ang kanyang madaana'y kumikislap sa liwanag, ang akala mo sa tubig, puting buhok ang katulad. |
|
| 33 |
|
| Dito sa daigdig ay wala siyang katulad, pagkat siya'y walang takot, hindi nasisindak. |
|
| 34 |
|
| Sa lahat ng mga hayop ay mababa ang tingin niya, at sa kanilang lahat ang naghahari ay siya.” |
|
|
|
|