|
| 1 |
|
| “ Job, mabibingwit mo kaya ang dragon na Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid? |
|
| 2 |
|
| Matatalian mo ba ng lubid ang ilong niya o mailalagay mo kaya ang kawil sa kanyang panga? |
|
| 3 |
|
| Kapag nagawa mo iyon, makikiusap kaya siyang lagi sa iyo na pakawalan mo siya, o di kayaʼy magmakaawa siya sa iyo? |
|
| 4 |
|
| Makikipagkasundo kaya siya sa iyo na magpapaalipin habang buhay? |
|
| 5 |
|
| Magagawa mo kaya siyang parang alagang ibon o maibibigay mo ba siya sa iyong mga anak na babae para kanilang laruin? |
|
| 6 |
|
| May negosyante kayang bibili sa kanya at hihiwa-hiwain siya para ipagbili? |
|
| 7 |
|
| Tatalaban kaya ng matulis na sibat ang kanyang ulo o balat? |
|
| 8 |
|
| Kapag hinawakan mo siya, maaalala mo kung gaano ito kahirap hulihin at masasabi mong hinding-hindi ka na uulit. |
|
| 9 |
|
| Walang saysay ang mga pagsisikap na hulihin siya, dahil makita mo pa lang siyaʼy maduduwag ka na. |
|
| 10 |
|
| Kung sa kanya ngaʼy walang mangangahas gumambala, sino pa kayang mangangahas na lumaban sa akin? |
|
| 11 |
|
| Sino ang makapagsasabing may utang na loob ako sa kanya? Ang lahat dito sa mundo ay akin. |
|
| 12 |
|
| “Sasabihin ko pa sa iyo ang tungkol sa katawan ng Leviatan at kung gaano siya kalakas at kamakapangyarihan. |
|
| 13 |
|
| Sinong makakatuklap ng kanyang balat o makakatusok nito? |
|
| 14 |
|
| Sino ang makakapagpabuka ng kanyang bunganga? Ang mga ngipin niyaʼy nakakatakot. |
|
| 15 |
|
| Ang likod niyaʼy may makakapal na kaliskis na parang panangga na nakasalansan. |
|
| 16 |
|
| Sobrang dikit-dikit na ito na kahit ang hangin ay hindi makakalusot at walang makakatuklap nito. |
|
| 17 |
|
|
|
| 18 |
|
| Kapag sumisinga siya, may lumalabas na parang kidlat at ang kanyang mga mata ay mapula na parang bukang-liwayway. |
|
| 19 |
|
| Bumubuga siya ng apoy, |
|
| 20 |
|
| at umuusok ang ilong na ang usok ay parang nagmumula sa kumukulong palayok na may nagliliyab na panggatong. |
|
| 21 |
|
| Ang hininga niyaʼy makapagpapabaga ng uling dahil sa apoy na lumalabas sa kanyang bunganga. |
|
| 22 |
|
| Nasa leeg ang kanyang lakas, at ang makakita sa kanya ay kinikilabutan. |
|
| 23 |
|
| Kahit ang kanyang mga laman ay siksik at matitigas. |
|
| 24 |
|
| Matigas din ang puso niya, kasintigas ng gilingang bato. |
|
| 25 |
|
| Kapag siyaʼy tumayo, takot na takot pati ang mga makapangyarihang tao. |
|
| 26 |
|
| Walang espada, sibat, pana, o palasong makakapanakit sa kanya. |
|
| 27 |
|
| Para sa kanya ang bakal ay kasinlambot lang ng dayami at ang tanso ay para lang bulok na kahoy. |
|
| 28 |
|
| Hindi niya iniilagan ang mga pana. Ang mga batong tumatama sa kanyaʼy nagiging parang mga ipa lang. |
|
| 29 |
|
| Ang mga kahoy na ipinapalo ay parang mga dayami lang sa kanya. At pinagtatawanan lang niya ang mga humahagibis na sibat na isinisibat sa kanya. |
|
| 30 |
|
| Ang tiyan niyaʼy may mga kaliskis na matalim, na parang mga basag na bote. Kaya kapag gumagapang siya sa putik, nag-iiwan siya ng mga bakas. |
|
| 31 |
|
| Kinakalawkaw niya ang dagat hanggang bumula na parang kumukulong tubig sa palayok o kumukulong langis sa kaldero. |
|
| 32 |
|
| Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan. |
|
| 33 |
|
| Wala siyang katulad dito sa mundo. Isa siyang nilalang na walang kinatatakutan. |
|
| 34 |
|
| Minamaliit niya ang lahat ng mayayabang na hayop. Siya ang hari ng lahat ng mababangis na hayop sa gubat.” |
|
|
|
|