|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Job: |
|
| 2 |
|
| “Ang suliranin ko't paghihirap, kung titimbanging lahat, |
|
| 3 |
|
| magiging mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; kaya mabibigat kong salita'y huwag ninyong ikagulat. |
|
| 4 |
|
| Ako'y pinana ng Diyos na Makapangyarihan, lason ng palaso'y kumalat sa aking katawan, galit ng Diyos, sa akin ay inihanay. |
|
| 5 |
|
| Walang angal ang asno kung sa damo ay sagana, at ang baka ay tahimik kung may dayaming nginunguya. |
|
| 6 |
|
| Ang pagkaing walang asin, may sarap bang idudulot? Mayroon bang lasa ang puti ng itlog? |
|
| 7 |
|
| Sa lahat ng iyan ay nawala ang aking gana, sapagkat kung kainin ko man, pilit na ring isusuka. |
|
| 8 |
|
| “Ibigay sana ng Diyos ang aking hinihiling, sana'y ipagkaloob niya ang aking hangarin. |
|
| 9 |
|
| Higit ko pang nanaisin at aking ikagagalak ang buhay na taglay ko ay bigyan na niya ng wakas. |
|
| 10 |
|
| Kapag nangyari ito, ako'y liligaya, sa gitna ng pagdurusa, lulundag sa saya. Alam kong banal ang Diyos, kaya di ko sinusuway, kanyang mga utos. |
|
| 11 |
|
| Ang lakas ko ay ubos na, di na ako makatagal, kung wala rin lang pag-asa ay bakit pa mabubuhay? |
|
| 12 |
|
| Ako nama'y hindi bato, at hindi tanso ang katawan ko. |
|
| 13 |
|
| Ako'y wala nang lakas upang iligtas ang sarili ko, wala na akong matakbuhan upang hingan ng saklolo. |
|
| 14 |
|
| “Sa magulong kalagayan, kailangan ko'y kaibigan, tumalikod man ako o hindi sa Diyos na Makapangyarihan. |
|
| 15 |
|
| Ngunit kayong mga kaibigan ko'y di ko maaasahan, para kayong sapang natutuyo kapag walang ulan. |
|
| 16 |
|
| Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo, pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito; ang ilog ay natutuyo, walang laman kahit ano. |
|
| 17 |
|
|
|
| 18 |
|
| Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay, at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay. |
|
| 19 |
|
| Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba, |
|
| 20 |
|
| ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa. |
|
| 21 |
|
| Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo; kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo. |
|
| 22 |
|
| Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong? Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol? |
|
| 23 |
|
| Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo? Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako? |
|
| 24 |
|
| “Pagkakamali ko'y sabihin at ako'y turuan, ako'y tatahimik upang kayo'y pakinggan. |
|
| 25 |
|
| Mga salitang tapat, kay gandang pakinggan, ngunit mga sinasabi ninyo'y walang katuturan. |
|
| 26 |
|
| Kung ang sinasabi ko ay walang kabuluhan, bakit ninyo sinasagot itong aking karaingan? |
|
| 27 |
|
| Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan, pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan. |
|
| 28 |
|
| Tingnan ninyo ako nang harapan, hindi ko kayo pagsisinungalingan, |
|
| 29 |
|
| Lumalabis na ang mali ninyong paratang, tigilan n'yo na iyan pagkat ako'y nasa katuwiran. |
|
| 30 |
|
| Akala ninyo ang sinasabi ko'y hindi tama, at hindi ko nakikilala ang mabuti sa masama. |
|
|
|
|