|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. |
|
| 3 |
|
| Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. |
|
| 4 |
|
| Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. |
|
| 5 |
|
| Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? |
|
| 6 |
|
| Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? |
|
| 7 |
|
| Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. |
|
| 8 |
|
| Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! |
|
| 9 |
|
| Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! |
|
| 10 |
|
| Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. |
|
| 11 |
|
| Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? |
|
| 12 |
|
| Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? |
|
| 13 |
|
| Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? |
|
| 14 |
|
| Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. |
|
| 15 |
|
| Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; |
|
| 16 |
|
| Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: |
|
| 17 |
|
| Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. |
|
| 18 |
|
| Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. |
|
| 19 |
|
| Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. |
|
| 20 |
|
| Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. |
|
| 21 |
|
| Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. |
|
| 22 |
|
| Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? |
|
| 23 |
|
| O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? |
|
| 24 |
|
| Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. |
|
| 25 |
|
| Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? |
|
| 26 |
|
| Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. |
|
| 27 |
|
| Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. |
|
| 28 |
|
| Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. |
|
| 29 |
|
| Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. |
|
| 30 |
|
| May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay? |
|
|
|
|