|
| 1 |
|
| Nang magkagayoy sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig? |
|
| 3 |
|
| Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan? |
|
| 4 |
|
| Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang: |
|
| 5 |
|
| Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; |
|
| 6 |
|
| Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayoy gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. |
|
| 7 |
|
| At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon may ang iyong huling wakas ay lalaking mainam. |
|
| 8 |
|
| Sapagkat ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang: |
|
| 9 |
|
| (Sapagkat tayoy kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagkat ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:) |
|
| 10 |
|
| Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso? |
|
| 11 |
|
| Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig? |
|
| 12 |
|
| Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo. |
|
| 13 |
|
| Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala: |
|
| 14 |
|
| Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba. |
|
| 15 |
|
| Siyay sasandal sa kaniyang bahay, ngunit hindi tatayo; siyay pipigil na mahigpit dito, ngunit hindi makapagmamatigas. |
|
| 16 |
|
| Siyay sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan. |
|
| 17 |
|
| Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato. |
|
| 18 |
|
| Kung siyay magiba sa kaniyang dako, kung magkagayoy itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita. |
|
| 19 |
|
| Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba. |
|
| 20 |
|
| Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan. |
|
| 21 |
|
| Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw. |
|
| 22 |
|
| Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala. |
|
|
|
|