|
| 1 |
|
| Pagkatapos ay sumagot si Job, at sinabi, |
|
| 2 |
|
| "Sa katotohanan ay alam kong gayon nga: Ngunit paano magiging matuwid ang isang tao sa harapan ng Diyos? |
|
| 3 |
|
| Kung naisin ng isang tao na sa kanya ay makipagtalo, siya'y hindi makakasagot sa kanya ni minsan sa isang libo. |
|
| 4 |
|
| Siya ay pantas sa puso, at malakas sa kapangyarihan: Sinong nagmatigas laban sa kanya at nagtagumpay? |
|
| 5 |
|
| Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nababatid, nang kanyang itaob sila sa kanyang pagkagalit; |
|
| 6 |
|
| na siyang umuuga ng lupa mula sa kanyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nanginginig; |
|
| 7 |
|
| na siyang nag-uutos sa araw at ito'y hindi sumisikat, na siyang nagtatakip sa mga bituin; |
|
| 8 |
|
| na nag-iisang nagladlad ng kalangitan, at ang mga alon ng dagat ay tinapakan; |
|
| 9 |
|
| na siyang gumawa sa Oso at Orion, at sa Pleyades, at sa mga silid ng timog; |
|
| 10 |
|
| na gumagawa ng mga dakilang bagay na di maunawaan, at mga kamanghamanghang bagay na di mabilang. |
|
| 11 |
|
| Siya'y dumaraan sa tabi ko, at hindi ko siya nakikita. Siya'y nagpapatuloy ngunit hindi ko siya namamalayan. |
|
| 12 |
|
| Siya'y nang-aagaw, sinong makakahadlang sa kanya? Sinong magsasabi sa kanya, 'Anong ginagawa mo?' |
|
| 13 |
|
| "Hindi iuurong ng Diyos ang kanyang galit; ang mga katulong ng Rahab ay nakayukod sa ilalim niya. |
|
| 14 |
|
| Paano ko ngang masasagot siya, at mapipili ang aking mga salita laban sa kanya? |
|
| 15 |
|
| Bagaman ako'y walang sala, hindi ako makakasagot sa kanya; kailangang ako'y magmakaawa sa aking hukom. |
|
| 16 |
|
| Kung siya'y ipatawag ko at siya'y sumagot sa akin; gayunma'y hindi ako maniniwala na kanyang dininig ang aking tinig. |
|
| 17 |
|
| Sapagkat ako'y dinudurog niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat nang walang kadahilanan. |
|
| 18 |
|
| Hindi niya ako tutulutang makahinga, sa halip ay pinupuno niya ako ng kapaitan. |
|
| 19 |
|
| Kung ito'y tagisan ng lakas, siya ang malakas! At kung tungkol sa katarungan, sino ang magpapatawag sa kanya? |
|
| 20 |
|
| Bagaman ako'y walang sala, hahatulan ako ng sarili kong bibig; bagaman ako'y walang dungis, patutunayan niya akong masama. |
|
| 21 |
|
| Ako'y walang dungis, hindi ko pinapansin ang sarili ko, kinasusuklaman ko ang buhay ko. |
|
| 22 |
|
| Ang lahat ay iisa; kaya't aking sinasabi, kapwa niya pinupuksa ang masama at ang mabuti. |
|
| 23 |
|
| Kapag ang sakuna ay nagdadala ng biglang kamatayan, tinutuya niya ang kapahamakang dumating sa walang kasalanan. |
|
| 24 |
|
| Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng masama, kanyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya iyon, kung gayo'y sino? |
|
| 25 |
|
| "Ang mga araw ko ay mas matulin kaysa isang mananakbo, sila'y tumatakbong palayo, wala silang nakikitang mabuti. |
|
| 26 |
|
| Sila'y dumaraang parang matutuling bangkang tambo, parang agilang dumadagit sa biktima. |
|
| 27 |
|
| Kung aking sabihin, 'Kalilimutan ko ang aking daing, papawiin ko ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako.' |
|
| 28 |
|
| Ako'y natatakot sa lahat kong paghihirap, sapagkat alam kong hindi mo ako ituturing na walang sala. |
|
| 29 |
|
| Ako'y mahahatulan; bakit pa ako magpapakapagod nang walang kabuluhan? |
|
| 30 |
|
| Kung ako'y maligo sa niyebe, at hugasan ko ang aking mga kamay sa lihiya, |
|
| 31 |
|
| gayunma'y itutulak mo ako sa hukay, at kamumuhian ako ng mga sarili kong kasuotan. |
|
| 32 |
|
| Sapagkat siya'y hindi tao, na gaya ko, na masasagot ko siya, na kami'y magkasamang haharap sa paglilitis. |
|
| 33 |
|
| Walang hukom sa pagitan namin, na magpapatong ng kanyang kamay sa aming dalawa. |
|
| 34 |
|
| Ilayo nawa niya sa akin ang kanyang tungkod, at huwag nawa akong sindakin ng kanyang bagsik. |
|
| 35 |
|
| Saka ako magsasalita nang walang takot tungkol sa kanya, sapagkat hindi ako gayon sa aking sarili. |
|
|
|
|