|
| 1 |
|
| Ito naman ang tugon ni Job: |
|
| 2 |
|
| “Matagal ko nang alam ang mga bagay na iyan, ngunit sino bang matuwid sa harap ng Maykapal? |
|
| 3 |
|
| Mayroon bang maaaring makipagtalo sa kanya? Sa sanlibo niyang tanong, walang makakasagot kahit isa. |
|
| 4 |
|
| Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay? |
|
| 5 |
|
| Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog. |
|
| 6 |
|
| Ang buong lupa ay kanyang niyayanig, at inuuga niya ang saligan ng daigdig. |
|
| 7 |
|
| Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw, pati ang mga bituin sa kalangitan. |
|
| 8 |
|
| Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan, kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan. |
|
| 9 |
|
| Siya ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’ sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan. |
|
| 10 |
|
| Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang. |
|
| 11 |
|
| Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman. |
|
| 12 |
|
| Nakukuha niya ang anumang magustuhan, at sa kanya'y walang makakahadlang, walang makakapagtanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?’ |
|
| 13 |
|
| “Ang poot ng Diyos ay hindi maglulubag sa mga tumulong sa dambuhalang si Rahab. |
|
| 14 |
|
| Paano ko masasagot ang tanong niya sa akin? Maghahanap pa ako ng mga salitang aking bibigkasin. |
|
| 15 |
|
| Kahit ako'y walang sala, ang tangi kong magagawa, sa harap ng Diyos na hukom ay magmakaawa. |
|
| 16 |
|
| Kahit bayaan niyang ako'y magsalita, hindi ko rin matiyak kung ako'y papakinggan nga. |
|
| 17 |
|
| Malakas na bagyo at mga sugat ang sa aki'y ibinigay, kahit wala naman siyang sapat na dahilan. |
|
| 18 |
|
| Ang hininga ko ay halos kanya nang lagutin, puro kapaitan ang idinulot niya sa akin. |
|
| 19 |
|
| Sa lakas niyang taglay hindi siya kayang talunin, hindi siya maaaring pilitin at sa hukuman ay dalhin. |
|
| 20 |
|
| Ako'y walang kasalanan at tapat na namumuhay, ngunit bawat sabihin ko ay laban sa aking katauhan. |
|
| 21 |
|
| Wala nga akong sala, ngunit hindi na ito mahalaga, wala nang halaga ang aking sarili, pagod na akong mabuhay. |
|
| 22 |
|
| Iisa ang pupuntahan ng lahat, ito ang aking nasabi. Kapwa wawasakin ng Diyos ang masama at ang mabuti. |
|
| 23 |
|
| Kung ang taong matuwid ay biglang namatay, tinatawanan ng Diyos ang sinapit ng kawawa. |
|
| 24 |
|
| Hinayaan niyang ang daigdig ay pagharian ng masama, ang paningin ng mga hukom ay tinatakpan niya. Kung di siya ang may gawa nito, sino pa nga kaya? |
|
| 25 |
|
| “Ang aking mga araw ay mabilis lumilipas, walang mabuting nangyayari kaya't nagmamadaling tumatakas. |
|
| 26 |
|
| Parang mabilis na bangka ang buhay kong ito, kasing bilis ng agila kung dumadagit ng kuneho. |
|
| 27 |
|
| Kung kakalimutan ko na lang ang aking pagdurusa, at tatawanan ko na lang ang aking problema, |
|
| 28 |
|
| nangangamba ako na inyong ipalagay, na ang kasawian ko ay bunga ng aking kasalanan. |
|
| 29 |
|
| Kung ako'y napatunayan nang nagkasala, anong pagsisikap ang magagawa ko pa? |
|
| 30 |
|
| Hindi ako malilinis ng kahit anong sabon, hindi na ako puputi kuskusin man ng apog, |
|
| 31 |
|
| matapos mo akong ihagis sa napakaruming balon. Ikinahihiya ako maging ng aking sariling damit. |
|
| 32 |
|
| Kung ang Diyos ay tao lang, siya'y aking sasagutin, kahit umabot sa hukuman ang aming usapin. |
|
| 33 |
|
| Ngunit sa aming dalawa'y walang tagapamagitan, upang alitan namin ay kanyang mahatulan. |
|
| 34 |
|
| Ang pamalo ng Diyos sana'y ilayo na sa akin, at huwag na sana niya akong takutin. |
|
| 35 |
|
| At ihahayag ko ang nais kong sabihin, sapagkat ako ang nakakaalam ng sarili kong damdamin. |
|
|
|
|