|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? |
|
| 3 |
|
| Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. |
|
| 4 |
|
| Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? |
|
| 5 |
|
| Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. |
|
| 6 |
|
| Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. |
|
| 7 |
|
| Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. |
|
| 8 |
|
| Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. |
|
| 9 |
|
| Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. |
|
| 10 |
|
| Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. |
|
| 11 |
|
| Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. |
|
| 12 |
|
| Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? |
|
| 13 |
|
| Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. |
|
| 14 |
|
| Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? |
|
| 15 |
|
| Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom. |
|
| 16 |
|
| Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. |
|
| 17 |
|
| Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. |
|
| 18 |
|
| Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap. |
|
| 19 |
|
| Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? |
|
| 20 |
|
| Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama. |
|
| 21 |
|
| Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay. |
|
| 22 |
|
| Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama. |
|
| 23 |
|
| Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala. |
|
| 24 |
|
| Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga? |
|
| 25 |
|
| Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti. |
|
| 26 |
|
| Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli. |
|
| 27 |
|
| Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako: |
|
| 28 |
|
| Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala. |
|
| 29 |
|
| Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan? |
|
| 30 |
|
| Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis; |
|
| 31 |
|
| Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan. |
|
| 32 |
|
| Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan, |
|
| 33 |
|
| Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa. |
|
| 34 |
|
| Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot: |
|
| 35 |
|
| Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili. |
|
|
|
|