Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. |
| 2 |
| Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. |
| 3 |
| Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayoy kaniya: tayoy kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. |
| 4 |
| Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. |
| 5 |
| Sapagkat ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng salit saling lahi. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/100.mp3
150
100