|
| 1 |
|
| Panginoon, pakinggan nʼyo ang aking dalangin. Ang paghingi ko sa inyo ng tulong ay inyong dinggin. |
|
| 2 |
|
| Sa oras ng aking paghihirap ay huwag sana kayong magtago sa akin. Pakinggan nʼyo ako at agad na sagutin. |
|
| 3 |
|
| Dahil ang buhay koʼy unti-unti nang naglalaho tulad ng usok; at ang katawan koʼy para nang sinusunog. |
|
| 4 |
|
| Akoʼy parang damong nalalanta na. Wala na akong ganang kumain |
|
| 5 |
|
| dahil sa labis na pagdaing. Parang butoʼt balat na lang ako. |
|
| 6 |
|
| Ang tulad koʼy mailap na ibon sa ilang, at kuwago sa mga lugar na walang tao. |
|
| 7 |
|
| Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibon na nag-iisa sa bubungan. |
|
| 8 |
|
| Palagi akong iniinsulto ng aking mga kaaway. Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa. |
|
| 9 |
|
| Hindi ako kumakain; umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin, |
|
| 10 |
|
| dahil sa tindi ng inyong galit sa akin; dinampot nʼyo ako at itinapon. |
|
| 11 |
|
| Ang buhay koʼy nawawala na parang anino, at nalalantang gaya ng damo. |
|
| 12 |
|
| Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman; at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi. |
|
| 13 |
|
| Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya. |
|
| 14 |
|
| Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion, kahit itoʼy gumuho na at nawasak. |
|
| 15 |
|
| At ang mga bansang hindi kumikilala sa Dios ay matatakot sa Panginoon. At ang lahat ng hari sa mundo ay igagalang ang inyong kapangyarihan. |
|
| 16 |
|
| Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion; ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon. |
|
| 17 |
|
| Sasagutin niya ang panalangin ng mga naghihirap, at hindi niya tatanggihan ang kanilang mga dalangin. |
|
| 18 |
|
| Isusulat ito para sa susunod na salinlahi, upang sila rin ay magpuri sa Panginoon: |
|
| 19 |
|
| Mula sa kanyang banal na lugar sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat sa mundo, |
|
| 20 |
|
| upang pakinggan ang daing ng kanyang mga mamamayan na binihag, at palayain ang mga nakatakdang patayin. |
|
| 21 |
|
| At dahil dito mahahayag ang ginawa ng Panginoon sa Zion, at siyaʼy papurihan sa lungsod ng Jerusalem |
|
| 22 |
|
| kapag nagtipon na ang mga tao mula sa mga bansa, at mga kaharian upang sumamba sa Panginoon. |
|
| 23 |
|
| Pinahina ng Panginoon ang aking katawan; at ang buhay koʼy kanyang pinaikli. |
|
| 24 |
|
| Kaya sinabi ko, “O aking Dios na buhay magpakailanman, huwag nʼyo muna akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay. |
|
| 25 |
|
| Sa simula, kayo ang lumikha ng mundo at ng kalangitan. |
|
| 26 |
|
| Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili kayo magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. At gaya ng damit, itoʼy inyong papalitan. |
|
| 27 |
|
| Ngunit hindi kayo magbabago, at mananatili kayong buhay magpakailanman. |
|
| 28 |
|
| Ang mga lahi ng inyong mga lingkod ay mamumuhay ng ligtas sa mga panganib at iingatan nʼyo sila.” |
|
|
|
|