|
| 1 |
|
| Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayoy magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. |
|
| 2 |
|
| Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. |
|
| 3 |
|
| Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. |
|
| 4 |
|
| Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. |
|
| 5 |
|
| Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; |
|
| 6 |
|
| Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. |
|
| 7 |
|
| Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. |
|
| 8 |
|
| Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong salit saling lahi; |
|
| 9 |
|
| Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; |
|
| 10 |
|
| At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: |
|
| 11 |
|
| Na sinasabi, sa iyoy ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana; |
|
| 12 |
|
| Nang silay kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; |
|
| 13 |
|
| At silay nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. |
|
| 14 |
|
| Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; |
|
| 15 |
|
| Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. |
|
| 16 |
|
| At siyay nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. |
|
| 17 |
|
| Siyay nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: |
|
| 18 |
|
| Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siyay nalagay sa mga tanikalang bakal: |
|
| 19 |
|
| Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon. |
|
| 20 |
|
| Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid bagay ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. |
|
| 21 |
|
| Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari: |
|
| 22 |
|
| Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan. |
|
| 23 |
|
| Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham. |
|
| 24 |
|
| At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway. |
|
| 25 |
|
| Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod. |
|
| 26 |
|
| Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang. |
|
| 27 |
|
| Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham. |
|
| 28 |
|
| Siyay nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at silay hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita. |
|
| 29 |
|
| Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda. |
|
| 30 |
|
| Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari. |
|
| 31 |
|
| Siyay nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan. |
|
| 32 |
|
| Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain. |
|
| 33 |
|
| Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan. |
|
| 34 |
|
| Siyay nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yaoy walang bilang, |
|
| 35 |
|
| At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa. |
|
| 36 |
|
| Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan. |
|
| 37 |
|
| At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi. |
|
| 38 |
|
| Natuwa ang Egipto nang silay magsialis; sapagkat ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila. |
|
| 39 |
|
| Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, |
|
| 40 |
|
| Silay nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. |
|
| 41 |
|
| Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. |
|
| 42 |
|
| Sapagkat kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. |
|
| 43 |
|
| At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. |
|
| 44 |
|
| At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: |
|
| 45 |
|
| Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon. |
|
|
|
|