|
| 1 |
|
| Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
| 2 |
|
| Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway; |
|
| 3 |
|
| At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan. |
|
| 4 |
|
| Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. |
|
| 5 |
|
| Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. |
|
| 6 |
|
| Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. |
|
| 7 |
|
| Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. |
|
| 8 |
|
| Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! |
|
| 9 |
|
| Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan. |
|
| 10 |
|
| Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; |
|
| 11 |
|
| Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: |
|
| 12 |
|
| Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. |
|
| 13 |
|
| Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. |
|
| 14 |
|
| Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. |
|
| 15 |
|
| Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! |
|
| 16 |
|
| Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal. |
|
| 17 |
|
| Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati. |
|
| 18 |
|
| Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan, |
|
| 19 |
|
| Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. |
|
| 20 |
|
| Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak. |
|
| 21 |
|
| Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! |
|
| 22 |
|
| At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. |
|
| 23 |
|
| Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig; |
|
| 24 |
|
| Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. |
|
| 25 |
|
| Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon. |
|
| 26 |
|
| Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. |
|
| 27 |
|
| Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala. |
|
| 28 |
|
| Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. |
|
| 29 |
|
| Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. |
|
| 30 |
|
| Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. |
|
| 31 |
|
| Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! |
|
| 32 |
|
| Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda. |
|
| 33 |
|
| Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal: |
|
| 34 |
|
| Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon. |
|
| 35 |
|
| Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain. |
|
| 36 |
|
| At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan; |
|
| 37 |
|
| At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang. |
|
| 38 |
|
| Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang. |
|
| 39 |
|
| Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan. |
|
| 40 |
|
| Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan. |
|
| 41 |
|
| Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan. |
|
| 42 |
|
| Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig. |
|
| 43 |
|
| Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon. |
|
|
|
|