Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Ang aking pusoy matatag, Oh Dios; akoy aawit, oo, akoy aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian. |
| 2 |
| Kayoy gumising, salterio at alpa: ako may gigising na maaga. |
| 3 |
| Akoy magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at akoy aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa. |
| 4 |
| Sapagkat ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap. |
| 5 |
| Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa. |
| 6 |
| Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. |
| 7 |
| Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; akoy magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth. |
| 8 |
| Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juday aking cetro. |
| 9 |
| Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako. |
| 10 |
| Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? |
| 11 |
| Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo? |
| 12 |
| Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao. |
| 13 |
| Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagkat siya ang yayapak sa aming mga kaaway. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/108.mp3
150
108