Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Nahahanda ako ngayon, O Diyos, ako ay handa na, na magpuri at umawit ng awiting masisigla! Gumising ka, kaluluwa, gumising ka at magsaya! |
| 2 |
| O magsigising na nga kayo, mga lira at alpa; tumugtog na at hintayin ang liwayway ng umaga. |
| 3 |
| Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan, Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang. |
| 4 |
| Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan, nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan. |
| 5 |
| Sa ibabaw ng mga langit, ikaw ay itatanghal, at dito naman sa daigdig ang iyong kaluwalhatian. |
| 6 |
| Sa taglay mong kalakasan kami sana ay iligtas, upang kaming iyong lingkod ay hindi na mapahamak; dinggin mo ang dalangin ko kapag ako'y tumatawag. |
| 7 |
| Sinabi nga nitong Diyos mula sa tronong luklukan, “Hahatiin ko ang Shekem, bilang tanda ng tagumpay, paghahati-hatiin ko ang Sucot na kapatagan, matapos na gawin ito'y ibibigay sa hinirang. |
| 8 |
| Ang Gilead at Manases, dal'wang dakong ito'y akin, magsisilbing helmet ko itong lugar ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain. |
| 9 |
| Ang Moab ay isang lugar na gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; doon naman sa Filistia, tagumpay ko'y isisigaw.” |
| 10 |
| Sino kaya ang sasama sa lakad ko, Panginoon? Sa lunsod na mayroong kuta, sino'ng maghahatid ngayon? Sino kaya'ng magdadala sa akin sa lupang Edom? |
| 11 |
| Dahil kami'y itinakwil, hindi mo na pinapansin. Kung ikaw ay di kasama, paano ang hukbo namin? |
| 12 |
| O Diyos, kami'y tulungan mo sa paglaban sa kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay walang kabuluhan. |
| 13 |
| Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/108.mp3
150
108