Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, lubusan akong nagtitiwala sa inyo. Buong puso kitang aawitan ng mga papuri. |
| 2 |
| Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang alpa at mga instrumentong may mga kwerdas. |
| 3 |
| Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan. |
| 4 |
| Dahil napakadakila at walang kapantay ang pag-ibig nʼyo at katapatan. |
| 5 |
| O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo. |
| 6 |
| Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas. |
| 7 |
| O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot, para ipamigay sa aking mga mamamayan. |
| 8 |
| Sa akin ang Gilead at Manase, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala. |
| 9 |
| Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.” |
| 10 |
| Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader? |
| 11 |
| Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami? Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal. |
| 12 |
| Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan. |
| 13 |
| Sa tulong nʼyo, O Dios, kami ay magtatagumpay dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/108.mp3
150
108