Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan. O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin, “Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon. |
| 2 |
| Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana, para panain nang palihim ang mga matuwid. |
| 3 |
| Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?” |
| 4 |
| Ang Panginoon ay nasa kanyang templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao. |
| 5 |
| Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama. At siyaʼy napopoot sa malulupit. |
| 6 |
| Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasama; at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila. |
| 7 |
| Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/011.mp3
150
11