Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” |
| 2 |
| Magmula sa dakong Zion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop; “At lahat ng kaaway mo'y sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos. |
| 3 |
| Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan. |
| 4 |
| Si Yahweh ay may pangako at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” |
| 5 |
| Si Yahweh ay naroroong nakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit, ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig. |
| 6 |
| Siya'y hukom na hahatol sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat, marami ang malalagas! Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat. |
| 7 |
| Sa batis sa lansangan, itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan; sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/110.mp3
150
110