Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.” |
| 2 |
| Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion, at paghaharian mo ang iyong mga kaaway. |
| 3 |
| Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway, kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao. Ang mga kabataang iyong nasasakupan ay pupunta sa iyo doon sa banal na burol katulad ng hamog tuwing umaga. |
| 4 |
| Ang Panginoon ay sumumpa at hindi magbabago ang pasya niya, na ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melkizedek. |
| 5 |
| Ang Panginoon ay kasama mo. Parurusahan niya ang maraming hari sa oras ng kanyang galit. |
| 6 |
| Parurusahan niya ang mga bansa, at marami ang kanyang papatayin. Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo. |
| 7 |
| Mahal na Hari, kayo ay iinom sa sapa na nasa tabi ng daan, kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/110.mp3
150
110