Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Purihin ninyo ang PANGINOON! Ako'y magpapasalamat sa PANGINOON ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid at sa kapisanan. |
| 2 |
| Dakila ang mga gawa ng PANGINOON, na pinag-aralan ng lahat na nalulugod sa mga iyon. |
| 3 |
| Ang kanyang gawa ay puno ng karangalan at kamahalan, at ang kanyang katuwiran ay nananatili magpakailanman. |
| 4 |
| Ginawa niyang maalala ang kanyang kahanga-hangang mga gawa, ang PANGINOON ay mahabagin at mapagbiyaya. |
| 5 |
| Siya'y naglalaan ng pagkain sa mga natatakot sa kanya, lagi niyang aalalahanin ang tipan niya. |
| 6 |
| Ipinaalam niya sa kanyang bayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. |
| 7 |
| Ang mga gawa ng kanyang mga kamay ay matuwid at makatarungan; ang lahat niyang mga tuntunin ay mapagkakatiwalaan, |
| 8 |
| ang mga iyon ay itinatag magpakailanpaman, ang mga iyon ay ginagawa sa katapatan at katuwiran. |
| 9 |
| Siya'y nagsugo ng katubusan sa kanyang bayan; kanyang iniutos ang kanyang tipan magpakailanman. Banal at kagalang-galang ang kanyang pangalan. |
| 10 |
| Ang pagkatakot sa PANGINOON ay pasimula ng karunungan; ang lahat na nagsisigawa nito ay may mabuting kaunawaan. Ang kanyang kapurihan ay mananatili magpakailanman! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/111.mp3
150
111