Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. |
| 2 |
| Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala; |
| 3 |
| lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas. |
| 4 |
| Hindi maaalis sa ating gunita, si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha. |
| 5 |
| Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira. |
| 6 |
| Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan. |
| 7 |
| Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat, at maaasahan lahat niyang batas. |
| 8 |
| Ito ay lalagi at di magwawakas, pagkat ang saliga'y totoo't matapat. |
| 9 |
| Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan! |
| 10 |
| Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/111.mp3
150
111