Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon! Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon sa pagtitipon ng mga matuwid. |
| 2 |
| Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa. |
| 3 |
| Ang lahat ng kanyang mga gawa ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan. At ang kanyang katuwiran ay nagpapatuloy magpakailanman. |
| 4 |
| Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa. Siya ay mapagbiyaya at mahabagin. |
| 5 |
| Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan. |
| 6 |
| Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain ng ibang mga bansa. |
| 7 |
| Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa, at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos. |
| 8 |
| Ang kanyang mga utos ay mananatili magpakailanman, at itoʼy ibinigay niya nang buong katapatan at ayon sa katuwiran. |
| 9 |
| Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan, at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan. Banal siya at kahanga-hanga. |
| 10 |
| Ang pagkatakot sa Panginoon ang pinagmumulan ng karunungan. Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos ay may mabuting pang-unawa. Purihin siya magpakailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/111.mp3
150
111