Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos. |
| 2 |
| Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain. |
| 3 |
| Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. |
| 4 |
| Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid, at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran. |
| 5 |
| Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay. |
| 6 |
| Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman. |
| 7 |
| Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon. |
| 8 |
| Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niyang matatalo ang kanyang mga kalaban. |
| 9 |
| Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Dios upang siyaʼy maparangalan. |
| 10 |
| Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/112.mp3
150
112