Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon. |
| 2 |
| Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man. |
| 3 |
| Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin, |
| 4 |
| Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit. |
| 5 |
| Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas, |
| 6 |
| Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa? |
| 7 |
| Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi; |
| 8 |
| Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid bagay ng mga pangulo ng kaniyang bayan. |
| 9 |
| Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/113.mp3
150
113