Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin. |
| 2 |
| Ang kanyang pangalan ay papupurihan, magmula ngayo't magpakailanman, |
| 3 |
| buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan. |
| 4 |
| Siya'y naghahari sa lahat ng bansa, lampas pa sa langit ang pagkadakila. |
| 5 |
| Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh, na sa kalangitan doon nakaluklok? |
| 6 |
| Buhat sa itaas siya'y tumutunghay, ang lupa at langit kanyang minamasdan. |
| 7 |
| Mula kapanglawa'y itong mahihirap, kanyang itinataas, kanyang nililingap. |
| 8 |
| Sa mga prinsipe ay isinasama, sa mga prinsipe nitong bayan niya. |
| 9 |
| Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/113.mp3
150
113