Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ang bayang Israel sa bansang Egipto'y kanyang inilabas, nang ang lahing ito sa bansang dayuhan lahat ay lumikas. |
| 2 |
| Magmula na noon ang lupaing Juda'y naging dakong banal, at bansang Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan. |
| 3 |
| Ang Dagat ng Tambo, nang ito'y makita, nagbigay ng daan, magkabilang panig ng Ilog ng Jordan ay tumigil naman. |
| 4 |
| Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig, pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit. |
| 5 |
| Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan? Ikaw, Ilog Jordan, bakit ang tubig mo ay tumigil naman? |
| 6 |
| Kayong mga bundok, bakit parang kambing na nagsisilundag? Kayong mga burol, maliit na tupa'y inyo namang katulad? |
| 7 |
| Ikaw, O daigdig, sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig, dapat kang matakot sapagkat darating ang Diyos ni Jacob, |
| 8 |
| sa malaking bato nagpabukal siya ng saganang tubig, at magmula roon ang tubig na ito ay nagiging batis. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/114.mp3
150
114