Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Nakatira noon ang mga taga-Israel na lahi ni Jacob sa Egipto, na kung saan iba ang wika ng mga tao. |
| 2 |
| Nang papalabas na sila sa Egipto, ginawa ng Dios na banal na lugar ang Juda, at ang Israel ay kanyang pinamunuan. |
| 3 |
| Ang Dagat na Pula ay nahawi at ang Ilog ng Jordan ay tumigil sa pag-agos. |
| 4 |
| Nayanig ang mga bundok at burol, na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa. |
| 5 |
| Bakit nahawi ang Dagat na Pula, at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog ng Jordan? |
| 6 |
| Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol, na parang lumulundag na mga kambing at tupa? |
| 7 |
| Nayayanig ang mundo sa presensya ng Panginoong Dios ni Jacob, |
| 8 |
| na siyang gumawa sa matigas na bato upang maging imbakan ng tubig at naging bukal na umaagos. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/114.mp3
150
114