Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika; |
| 2 |
| Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop. |
| 3 |
| Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong. |
| 4 |
| Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa. |
| 5 |
| Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong? |
| 6 |
| Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa? |
| 7 |
| Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob; |
| 8 |
| Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/114.mp3
150
114