Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan, kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. |
| 2 |
| Bakit kami kinukutya ng ibang bansa at sinasabi nilang, “Nasaan na ang inyong Dios?” |
| 3 |
| Ang aming Dios ay nasa langit, at ginagawa niya ang kanyang nais. |
| 4 |
| Ngunit ang kanilang mga dios ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao. |
| 5 |
| May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita. |
| 6 |
| May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig; may ilong, ngunit hindi nakakaamoy. |
| 7 |
| May mga kamay, ngunit hindi nakakahawak; may mga paa, ngunit hindi nakakalakad, at kahit munting tinig ay wala kang marinig. |
| 8 |
| Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito. |
| 9 |
| Kayong mga mamamayan ng Israel at kayong mga angkan ni Aaron, magtiwala kayo sa Panginoon. Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo. |
| 10 |
| 11 |
| Kayong mga may takot sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya. Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo. |
| 12 |
| Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron. |
| 13 |
| Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba. |
| 14 |
| Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan. |
| 15 |
| Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa. |
| 16 |
| Ang kalangitan ay sa Panginoon, ngunit ang mundo ay ipinagkatiwala niya sa mga tao. |
| 17 |
| Ang mga patay ay hindi na makakapagpuri sa Panginoon, dahil sila ay nananahimik na. |
| 18 |
| Tayong mga buhay ang dapat magpuri sa Panginoon ngayon at magpakailanman. Purihin ang Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/115.mp3
150
115