|
| 1 |
|
| Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan. |
|
| 2 |
|
| Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios? |
|
| 3 |
|
| Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. |
|
| 4 |
|
| Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. |
|
| 5 |
|
| Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; |
|
| 6 |
|
| Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy; |
|
| 7 |
|
| Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala. |
|
| 8 |
|
| Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila. |
|
| 9 |
|
| Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. |
|
| 10 |
|
| Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. |
|
| 11 |
|
| Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. |
|
| 12 |
|
| Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron. |
|
| 13 |
|
| Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas. |
|
| 14 |
|
| Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak. |
|
| 15 |
|
| Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. |
|
| 16 |
|
| Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao. |
|
| 17 |
|
| Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan; |
|
| 18 |
|
| Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon. |
|
|
|
|