Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Mahal ko ang Panginoon, dahil dinidinig niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya. |
| 2 |
| Dahil pinakikinggan niya ako, patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay. |
| 3 |
| Natakot ako dahil nararamdaman kong malapit na akong mamatay. Ang kamatayan ay parang tali na pumupulupot sa akin. Nag-aalala ako at naguguluhan, |
| 4 |
| kaya tumawag ako sa Panginoon, “ Panginoon, iligtas nʼyo po ako.” |
| 5 |
| Ang Panginoon nating Dios ay mabuti, matuwid at mahabagin. |
| 6 |
| Iniingatan ng Panginoon ang mga walang sapat na kaalaman. Nang wala na akong magawa, akoʼy kanyang iniligtas. |
| 7 |
| Magpapakatatag ako, dahil ang Panginoon ay mabuti sa akin, |
| 8 |
| sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan, sa kalungkutan at kapahamakan. |
| 9 |
| Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buhay. |
| 10 |
| Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya. |
| 11 |
| Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.” |
| 12 |
| Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? |
| 13 |
| Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin. |
| 14 |
| Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan. |
| 15 |
| Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan. |
| 16 |
| Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag. |
| 17 |
| Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. |
| 18 |
| Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan, |
| 19 |
| doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/116.mp3
150
116