|
| 1 |
|
| Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling. |
|
| 2 |
|
| Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay. |
|
| 3 |
|
| Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. |
|
| 4 |
|
| Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa. |
|
| 5 |
|
| Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain. |
|
| 6 |
|
| Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako. |
|
| 7 |
|
| Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon. |
|
| 8 |
|
| Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal. |
|
| 9 |
|
| Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay. |
|
| 10 |
|
| Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati: |
|
| 11 |
|
| Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan. |
|
| 12 |
|
| Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin? |
|
| 13 |
|
| Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. |
|
| 14 |
|
| Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan. |
|
| 15 |
|
| Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal. |
|
| 16 |
|
| Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali. |
|
| 17 |
|
| Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. |
|
| 18 |
|
| Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; |
|
| 19 |
|
| Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. |
|
|
|
|