|
| 1 |
|
| Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
| 2 |
|
| Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
| 3 |
|
| Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
| 4 |
|
| Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
| 5 |
|
| Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. |
|
| 6 |
|
| Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? |
|
| 7 |
|
| Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. |
|
| 8 |
|
| Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. |
|
| 9 |
|
| Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. |
|
| 10 |
|
| Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
|
| 11 |
|
| Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
|
| 12 |
|
| Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
|
| 13 |
|
| Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. |
|
| 14 |
|
| Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. |
|
| 15 |
|
| Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
|
| 16 |
|
| Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
|
| 17 |
|
| Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. |
|
| 18 |
|
| Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. |
|
| 19 |
|
| Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. |
|
| 20 |
|
| Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. |
|
| 21 |
|
| Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. |
|
| 22 |
|
| Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. |
|
| 23 |
|
| Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. |
|
| 24 |
|
| Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. |
|
| 25 |
|
| Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. |
|
| 26 |
|
| Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. |
|
| 27 |
|
| Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. |
|
| 28 |
|
| Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. |
|
| 29 |
|
| Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
|
|
|
|