|
| 1 |
|
| Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. |
|
| 2 |
|
| Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. |
|
| 3 |
|
| Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. |
|
| 4 |
|
| Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. |
|
| 5 |
|
| Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! |
|
| 6 |
|
| Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. |
|
| 7 |
|
| Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. |
|
| 8 |
|
| Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. |
|
| 9 |
|
| Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. |
|
| 10 |
|
| Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. |
|
| 11 |
|
| Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. |
|
| 12 |
|
| Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. |
|
| 13 |
|
| Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. |
|
| 14 |
|
| Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan. |
|
| 15 |
|
| Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan. |
|
| 16 |
|
| Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita. |
|
| 17 |
|
| Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. |
|
| 18 |
|
| Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. |
|
| 19 |
|
| Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. |
|
| 20 |
|
| Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. |
|
| 21 |
|
| Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. |
|
| 22 |
|
| Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. |
|
| 23 |
|
| Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. |
|
| 24 |
|
| Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. |
|
| 25 |
|
| Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. |
|
| 26 |
|
| Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. |
|
| 27 |
|
| Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. |
|
| 28 |
|
| Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. |
|
| 29 |
|
| Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. |
|
| 30 |
|
| Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. |
|
| 31 |
|
| Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. |
|
| 32 |
|
| Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. |
|
| 33 |
|
| Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. |
|
| 34 |
|
| Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. |
|
| 35 |
|
| Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. |
|
| 36 |
|
| Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. |
|
| 37 |
|
| Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. |
|
| 38 |
|
| Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. |
|
| 39 |
|
| Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. |
|
| 40 |
|
| Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. |
|
| 41 |
|
| Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. |
|
| 42 |
|
| Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. |
|
| 43 |
|
| At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. |
|
| 44 |
|
| Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. |
|
| 45 |
|
| At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. |
|
| 46 |
|
| Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. |
|
| 47 |
|
| At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. |
|
| 48 |
|
| Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. |
|
| 49 |
|
| Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. |
|
| 50 |
|
| Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita. |
|
| 51 |
|
| Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan. |
|
| 52 |
|
| Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili. |
|
| 53 |
|
| Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan. |
|
| 54 |
|
| Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan. |
|
| 55 |
|
| Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan. |
|
| 56 |
|
| Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. |
|
| 57 |
|
| Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. |
|
| 58 |
|
| Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. |
|
| 59 |
|
| Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. |
|
| 60 |
|
| Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos. |
|
| 61 |
|
| Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan. |
|
| 62 |
|
| Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan. |
|
| 63 |
|
| Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin. |
|
| 64 |
|
| Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. |
|
| 65 |
|
| Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. |
|
| 66 |
|
| Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos. |
|
| 67 |
|
| Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita. |
|
| 68 |
|
| Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. |
|
| 69 |
|
| Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko. |
|
| 70 |
|
| Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan. |
|
| 71 |
|
| Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo. |
|
| 72 |
|
| Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak. |
|
| 73 |
|
| Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos. |
|
| 74 |
|
| Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita; |
|
| 75 |
|
| Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati. |
|
| 76 |
|
| Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod. |
|
| 77 |
|
| Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan. |
|
| 78 |
|
| Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin. |
|
| 79 |
|
| Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo. |
|
| 80 |
|
| Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya. |
|
| 81 |
|
| Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita. |
|
| 82 |
|
| Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin? |
|
| 83 |
|
| Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan. |
|
| 84 |
|
| Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin? |
|
| 85 |
|
| Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan. |
|
| 86 |
|
| Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako. |
|
| 87 |
|
| Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo. |
|
| 88 |
|
| Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig. |
|
| 89 |
|
| Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. |
|
| 90 |
|
| Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. |
|
| 91 |
|
| Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. |
|
| 92 |
|
| Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. |
|
| 93 |
|
| Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. |
|
| 94 |
|
| Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, |
|
| 95 |
|
| Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. |
|
| 96 |
|
| Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak. |
|
| 97 |
|
| Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. |
|
| 98 |
|
| Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. |
|
| 99 |
|
| Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. |
|
| 100 |
|
| Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. |
|
| 101 |
|
| Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo. |
|
| 102 |
|
| Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako. |
|
| 103 |
|
| Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! |
|
| 104 |
|
| Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling. |
|
| 105 |
|
| Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. |
|
| 106 |
|
| Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. |
|
| 107 |
|
| Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. |
|
| 108 |
|
| Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. |
|
| 109 |
|
| Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. |
|
| 110 |
|
| Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. |
|
| 111 |
|
| Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. |
|
| 112 |
|
| Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas. |
|
| 113 |
|
| Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko. |
|
| 114 |
|
| Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita. |
|
| 115 |
|
| Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios. |
|
| 116 |
|
| Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa. |
|
| 117 |
|
| Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan. |
|
| 118 |
|
| Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan. |
|
| 119 |
|
| Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo. |
|
| 120 |
|
| Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan. |
|
| 121 |
|
| Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin. |
|
| 122 |
|
| Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo. |
|
| 123 |
|
| Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita. |
|
| 124 |
|
| Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. |
|
| 125 |
|
| Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo, |
|
| 126 |
|
| Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo. |
|
| 127 |
|
| Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto. |
|
| 128 |
|
| Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad. |
|
| 129 |
|
| Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. |
|
| 130 |
|
| Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. |
|
| 131 |
|
| Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. |
|
| 132 |
|
| Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. |
|
| 133 |
|
| Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. |
|
| 134 |
|
| Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. |
|
| 135 |
|
| Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. |
|
| 136 |
|
| Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. |
|
| 137 |
|
| Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. |
|
| 138 |
|
| Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. |
|
| 139 |
|
| Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. |
|
| 140 |
|
| Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. |
|
| 141 |
|
| Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. |
|
| 142 |
|
| Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. |
|
| 143 |
|
| Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. |
|
| 144 |
|
| Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. |
|
| 145 |
|
| Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. |
|
| 146 |
|
| Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo. |
|
| 147 |
|
| Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita. |
|
| 148 |
|
| Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo. |
|
| 149 |
|
| Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. |
|
| 150 |
|
| Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan. |
|
| 151 |
|
| Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan. |
|
| 152 |
|
| Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. |
|
| 153 |
|
| Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. |
|
| 154 |
|
| Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. |
|
| 155 |
|
| Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. |
|
| 156 |
|
| Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. |
|
| 157 |
|
| Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. |
|
| 158 |
|
| Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. |
|
| 159 |
|
| Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. |
|
| 160 |
|
| Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. |
|
| 161 |
|
| Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. |
|
| 162 |
|
| Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. |
|
| 163 |
|
| Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. |
|
| 164 |
|
| Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. |
|
| 165 |
|
| Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. |
|
| 166 |
|
| Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. |
|
| 167 |
|
| Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam, |
|
| 168 |
|
| Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. |
|
| 169 |
|
| Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. |
|
| 170 |
|
| Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. |
|
| 171 |
|
| Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. |
|
| 172 |
|
| Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. |
|
| 173 |
|
| Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. |
|
| 174 |
|
| Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. |
|
| 175 |
|
| Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. |
|
| 176 |
|
| Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos. |
|
|
|
|