Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Tumulong ka, Panginoon, sapagkat ang banal na tao ay nalilipol; sapagkat nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao. |
| 2 |
| Silay nangagsasalitaan bawat isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita. |
| 3 |
| Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay: |
| 4 |
| Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin? |
| 5 |
| Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian. |
| 6 |
| Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. |
| 7 |
| Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man. |
| 8 |
| Ang masama ay naggala saat saan man. Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/012.mp3
150
12