Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo. |
| 2 |
| Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila. |
| 3 |
| Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita; |
| 4 |
| silang laging nagsasabi, “Kami'y magsasalita ng nais namin; at sa gusto nami'y walang makakapigil!” |
| 5 |
| “Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!” |
| 6 |
| Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay. |
| 7 |
| Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan; |
| 8 |
| Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar, ang mga gawang liko ay ikinararangal! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/012.mp3
150
12