Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, tulungan nʼyo po kami, dahil wala nang makadios, at wala na ring may paninindigan. |
| 2 |
| Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba. |
| 3 |
| Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola. |
| 4 |
| Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.” |
| 5 |
| Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.” |
| 6 |
| Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon. |
| 7 |
| Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman. |
| 8 |
| Pinalibutan nila kami, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawain. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/012.mp3
150
12