×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 120

1
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
2
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
3
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
4
Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
5
Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7
Akoy sa kapayapaan: ngunit pagka akoy nagsasalita, silay sa pakikidigma.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala