Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. |
| 2 |
| Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. |
| 3 |
| Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? |
| 4 |
| Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. |
| 5 |
| Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! |
| 6 |
| Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. |
| 7 |
| Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/120.mp3
150
120