Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Ang aking mga mata sa burol ay aking ititingin, ang akin bang saklolo ay saan manggagaling? |
| 2 |
| Ang saklolo sa akin ay buhat sa PANGINOON, na siyang gumawa ng langit at lupa. |
| 3 |
| Hindi niya papahintulutang ang paa mo'y madulas; siyang nag-iingat sa iyo ay hindi matutulog. |
| 4 |
| Siyang nag-iingat ng Israel ay hindi iidlip ni matutulog man. |
| 5 |
| Ang PANGINOON ay iyong tagapag-ingat; ang PANGINOON ay lilim mo sa iyong kanan. |
| 6 |
| Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw, ni ng buwan man kapag gabi. |
| 7 |
| Iingatan ka ng PANGINOON sa lahat ng kasamaan; kanyang iingatan ang iyong kaluluwa. |
| 8 |
| Ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok ay kanyang iingatan, mula sa panahong ito at magpakailanpaman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/121.mp3
150
121