Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? |
| 2 |
| Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. |
| 3 |
| Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. |
| 4 |
| Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. |
| 5 |
| Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. |
| 6 |
| Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. |
| 7 |
| Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. |
| 8 |
| Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/121.mp3
150
121