Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.” |
| 2 |
| Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. |
| 3 |
| Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya. |
| 4 |
| Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang manambahan, ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan, pagkat ito'y utos na dapat gampanan. |
| 5 |
| Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan. |
| 6 |
| Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. |
| 7 |
| Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” |
| 8 |
| Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.” |
| 9 |
| Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/122.mp3
150
122