×

Magandang Balita Biblia

Awit 123

1
Ang aking pangmasid doon nakatuon, sa luklukang trono mo, O Panginoon.
2
Tulad ko'y aliping ang inaasahan ay ang amo niya para sa patnubay, kaya tuluy-tuloy ang aming tiwala, hanggang ikaw, Yahweh, sa ami'y maawa.
3
Mahabag ka, Yahweh, kami'y kaawaan, labis na paghamak aming naranasan.
4
Kami'y hinahamak ng mga mayaman, laging kinukutya kahit noon pa man ng mapang-aliping taong mayayabang.
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala