Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ano kaya't kung si Yahweh ay di pumanig sa atin; O Israel, ano kaya yaong iyong sasabihin? |
| 2 |
| “Kung ang Diyos na si Yahweh, sa amin ay di pumanig, noong kami'y salakayin ng kaaway na malupit, |
| 3 |
| maaaring kami noon ay nilamon na nang buháy sa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan. |
| 4 |
| Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos, naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod; |
| 5 |
| sa lakas ng agos noo'y nalunod nga kaming lubos. |
| 6 |
| Tayo ay magpasalamat, si Yahweh ay papurihan, pagkat tayo'y iniligtas sa malupit na kaaway. |
| 7 |
| Ang katulad nati'y ibong sa bitag ay nakatakas; lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak. |
| 8 |
| Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/124.mp3
150
124